30

By

17-anyos na bihasa sa pagtutulak ng droga, nalambat ng PDEA

Naging target ng isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7) ang isang 17-anyos na lalaki sa Lower Kawayan, Barangay Sambag 2 noong Biyernes ng gabi.

Isang linggong isinailalim sa surveillance ang binatilyo matapos i-report ng concerned citizen ang pagkakasangkot ng suspek sa illegal drug trade.

Kaya umano ng suspek na magbenta ng 500 na gramo ng droga sa loob lang ng isang linggo.

Alas-7:30 ng gabi noong November 8, 2019 nang ikasa ang operasyon laban sa suspek kung saan nakumpiska sa kanyang ang mga pakete ng shabu na nagtitimbang ng 50 na gramo at may street value na P340,000.

Naaresto na umano ang binatilyo na 14-anyos pa lang noong 2016 ng mga operatiba ng Abellana Police Station sa kaparehong kaso ng illegal drug peddling.

Habang sinusulat ito ay nasa kustodiya ng PDEA-7 ang binatilyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?