3,929
crime-scene-dead
By

16-anyos na estudyante binalatan ang mukha, pinatay sa Lapu-Lapu City

Isang 16-anyos na babae ang natagpuang patay sa bakanteng lote sa Sitio Mahayahay sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City, nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat, natagpuang walang damit pang-ibaba at binalatan pa ang mukha ng biktima.

Hinihinala ring ginahasa ito bago pinatay.

Kinilala ang biktima na si Christine Lee Silawan, Grade 9 student ng Maribago National High School, at residente ng Barangay Mactan sa Lapu-Lapu City.

Kolektor  ang biktima sa Sacred Heart Parish Church sa Barangay Pajac.

Hindi na umano nakauwi ng bahay nila ang biktima matapos magsilbi sa misa noong Marso 10 ng alas-sais ng gabi, ayon sa kanyang ina.

Natagpuan itong patay, umaga ng Marso 11 sa 2 ektaryang lote na 500 metro ang layo sa pinakamalapit na residential area.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang nangyaring krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?