6,084

By

157 patay sa bumagsak na Ethiopian Airlines flight

Walang nakaligtas na mga pasahero at crew sa nag-crash na Ethiopian Airlines flight Linggo ng umaga.

Patungo umano ng Nairobi ang Boeing 737-800MAX flight sakay ang nasa 157 katao, na karamihan ay mga Kenyan, dakong alas-8:38 ng umaga mula sa Addis Ababa, Bole International Airport.

Namatay ang lahat ng sakay nito na kinabibilangan ng 149 na pasahero at walong crew nang mag-crash ilang minuto lang matapos na mag-take off.

Bagong modelo umano ang Boeing 737-800MAX na bumagsak na rin sa Indonesia noong Oktubre at kumitil ng may 189 pasahero.

Iniimbestigahan pa sa kasalukuyan ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?