33

By

151 kilo ng karne mula Netherlands kumpiskado

Kinumpiska ng National Meat Inspection Service-Regional Office 1 (NMIS-RO1) ang 151 kilo ng imported frozen meat mula sa basang Netherlands na apektado umano ng African Swine Fever (ASF) at pinuslit sa Tuguegarao City noong Huwebes.

Ayon kay NMIS-RO1 assistant provincial veterinarian Dr. Arnulfo Perez, kinasa ang meat inspection sa Don Domingo Public Market sa nasabing siyudad.

Sinabi ni Perez na agad pinabaon ang mga nasabat na frozen na karne upang hindi na ito kumalat pa sa merkado.

Sa ulat, nakumpiska sa dalawang tindahan sa naturang palengke ang 13 kilo ng imported frozen meat, habang anim na karton na may kabuuang timbang na 138 kilo ang nakumpiska sa bahay ng isang negosyante.

Ayon sa veterinarian, ang naturang operasyon ay dahil sa sumbong ng publiko ukol sa pagpupuslit ng mga frozen meat na sinasakay sa pampasaherong bus papuntang Cagayan.

Mula umano Dalton Pass sa pagitan ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya ay dinidiskarga ang mga frozen meat at sinasakay sa pribadong sasakyan upang makaiwas sa checkpoint.

Dahil dito, naghigpit na ang mga checkpoint sa nasabing lalawigan upang tiyaking walang makakapasok na karne na may dalang ASF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?