40

By

15 senador pumirma sa committee report vs ‘ninja cops’

Mayorya umano ng mga senador ang lumagda sa report ng blue ribbon at justice and human rights committees sa diumano’y “ninja cops” kaugnay ng kontrobersiyal na drug raid sa Pampanga noong 2013.

“15 out of 17 members of the blue ribbon committee signed the committee report,” pahayag ni Senador Richard Gordon, chair ng komite nitong Martes.

Kabilang sa mga lumagda ay sina Sens. Sonny Angara, Pia Cayetano, Win Gatchalian, Bong Go, Gordon, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Imee Marcos, Grace Poe, Manny Pacquiao, Koko Pimentel, Ramon Revilla Jr., Francis Tolentino, Cynthia Villar at Leila de Lima.

Lumagda din sa committee report ang mga ex-official member na sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Dirlon at Senate Majority Juan Miguel Zubiri.

Ang mga hindi lumagda ay sina Senador Lito Lapid at Senador Francis Pangilinan na nasa Amerika.

Sa summary ng committee report na inilabas ni Gordon, ‘very liable’ diumano si dating Philippine National Police chief Police General Oscar Albayalde kaugnay ng iregularidad sa naturang anti-drug operation.

Maaari umanong makasuhan ng paglabag sa Section 3 (a) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pagtawag nito kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino, noo’y Region 3 police director, at dating Criminal Investigation and Detection Group deputy chief Rudy Lacadin, hinggil sa estado ng mga dati niyang tauhang sangkot sa naturang operasyon.

Si Albayalde, noo’y director ng Pampanga Police Provincial Office, ang nagkumbinsi kina Aquino at Lacadin na huwag ipatupad ang dismissal order laban sa 13 pulis Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?