326

Apr 7, 2020 @ 22:47
By

15 PH billionaires, pasok sa Forbes Magazine’s 2020 list of billionaires

Pasok sa Forbes Magazine’s 2020 list of billionaires ang mga business tycoons sa bansa na pinangungunahan ni real-estate businessman at former politician Manuel “Manny” Villar.

Pang-286th si Villar, mula sa 2,095 billionaires sa bilang ng Forbes, na may estimate net worth na $5.6 billion.

Sumunod naman sa kanya si port terminal operator at integrated gaming tycoon Enrique Razon Jr. sa $3.4 billion at pang-565 sa listahan.

Kasama rin sa listahan sina Hans, Herbert, Harley, Henry Jr.,Teresita at Elizabeth Sy na may tig-net worth na $2 billion, $2 billion, $1.9 billion, $1.9 billion, $1.8 billion at $1.6 billion.

Mayroon naman net worth na $1.9 billion si Andrew Tan, $1.7 billion si Roberto Ongpin at $1.7 billion si Lucio Tan.

Bahagi rin sa listahan sina Tony Tan Caktiong & Family na may $1.7 billion net worth, Ramon Ang na may estimated na $1.4 billion, Robert Coyuto Jr., na may $1.4 billion at Eduardo Cojuangco na may $1 billion estimate new worth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?