403

By

15 patay, lampas 500 sugatan sa magnitude 6.7 quake sa Turkey

Abot na sa 15 ang nasawi habang 500 naman ang sugatan sa lindol sa Turkey, Biyernes ng gabi.

Tumama ang isang magnitude 6.7 na lindol sa bayan ng Sivrice, sa probinsya ng Elazig kung saan 10 gusali ang gumuho, ayon kay Turkish Interior Minister Sulyman Soylu.

Ayon naman sa Disaster and Emergency Management Presidency o AFAD, tumagal ng 40 segundo ang nasabing lindol.

Bukod pa dito, 15 aftershock ang naitala, ang pinakamalakas ay naitala sa magnitude 5.4.

Nasa 500,000 katao ang tinatayang nakaramdam ng lindol, na gumibal din sa ibang bansa tulad ng Syria, Lebanon at Iraq.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?