27

By

15 patay, 58 sugatan sa banggaan ng tren

Nasa 15 katao ang nasawi habang 58 pa ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang tren nitong Martes.

Tatlong bagon ang tumilapon mula sa riles nang magbanggaan ang dalawang tren sa Mondolbhag Station sa Brahmanbaria District, Eastern Bangladesh, ayon sa Al Jazeera report.

Tataas pa umano ang bilang ng death toll dahil may ilan pang pasahero ang na-trap sa ilalim ng mga bagon.

Samantala, sinuspinde na ang operasyon ng tren sa Dhaka, Sylhet at Chittagong.

Ang faulty signalling naman ang tinitingnang sanhi ng insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?