4,314
plane-crash
By

15 pasahero todas sa bumagsak na eroplano

Namatay ang may 15 katao habang 50 pa ang malubhang sugatan matapos mag-crash ang isang eroplano ilang minuto matapos mag-take off sa Almaty International Airport sa Nur-Sultan, Kazakhstan.

Sabi sa Metro report, may sakay na 98 pasahero ang Bek Air Fokker 100 plane.

Kabilang sa na-rescue sa Bek Air flight ang walong bata.

Sumalpok ang eroplano sa concrete fence at 2-palapag na gusali matapos nitong bumagsak nitong Biyernes ng umaga, Disyembre 27.

Isang piloto ang nasagip mula sa wasak na wasak na eroplano pero namatay siya kalaunan sa ospital.

Ayon kay David Soucie, dating Federal Aviation Administration safety inspector sa Hawaii, sa CNN report, hinala niya, ang freezing conditions o ang nagyeyelong panahon ang isa sa dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?