22

Jun 27, 2020 @ 20:17
By

15 pang Pinoy abroad, sapul ng coronavirus

Nadagdagan ng 15 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino na nakabase abroad.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, tumaas sa 8,432 ang total case ng mga tinamaan ng virus.

Samantala, nanatili naman sa 5,081at 536 ang bilang ng mga gumaling at nasawi sa COVID-19.

Pinakamataas pa rin ay sa Middle East or Africa Region, na nanatili sa 6,167 ang kumpirmadong bilang ng Pinoy COVID-19 positive.

Sunod ang Europa na may 982, Amerika na may 686 at Asia Pacific Region na may 597.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?