31

By

15 minero todas sa gumuhong dam

Nasa 15 katao ang nasawi sa pag-collapse ng isang dam nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng BBC, namatay ang mga trabahador nang gumuho ang dam sa Siberia gold mine sa Seiba River sa Krasnoyarsk, Russia.

Dahil dito, inanod ang mga cabin kung saan nakatira ang mga biktima.

Mahigit 13 katao naman ang pinaniniwalaang nawawala habang 14 na minero ang naospital.

Tinitingnang anggulo ang paglabag ng dam sa safety regulations.

Inutos na ni Russian President Vladimir Putin ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima at pag-iimbestiga sa dahilan ng insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?