538

By

143 aftershock naitala sa magnitude 7.2 lindol sa Davao Oriental

Umabot sa 143 aftershock ang na-record ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos ang magnitude 7.2 na lindol na tumama sa Davao Oriental nitong Sabado ng tanghali.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum sa panayam sa dzBB, bagama’t maraming aftershock ay isa lang naman ang naramdaman ng publiko.

“As of 6 a.m., may 143 aftershocks [na]. Karamihan dito ay hindi naramdaman. Isa lang ang naramdaman,” ayon kay Solidum.

Ang pinakamalakas na umanong aftershock na naitala ay ang magnitude 5.6 na tumama sa pampang ng Davao Oriental, halos anim na oras matapos ang magnitude 7.2 na lindol.

Ang lindol ay bunsod umano ng isang paggalawa ng lupa pababa malapit sa Philippine Trench sa may Philippine Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?