165

By

13 probinsya nasa ilalim pa rin ng dengue hotspot

Umaabot sa 13 probinsya sa bansa ang nasa ilalim pa rin ng dengue hot spot, base sa tala ng Department of Health (DOH).

Kabilang rito ang Apayao, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Compostela Valley, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Oriental, Maguindanao, North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, Surigao del Norte, at Surigao del Sur na kasalukuyang mino-monitor.

Umabot na sa 48, 634 ang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang March 16 kung saan nasa 184 na ang nasawi.

Samantalang 28,328 naman ang naitala noong 2018 kung saan 150 ang nasawi.

Batay sa report, ang Central Visayas ay may naitalang 5,421 kaso ng dengue; 4,855 National Capital Region (NCR); 4,815 sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon (CALABARZON); 4,570 sa Caraga ; at may 4,009 sa Central Luzon.

Nasa lima hanggang siyam na taong gulang ang mga edad na mas naapektuhan ng dengue.

Umaabot na sa 12,424 ang naitalang dengue cases kung saan puro kabataan ang apektado.

Nasa 65 barangay naman sa 35 bayan at lungsod ang kinilalang dengue hotspots o mga lugar na tumataas ang bilang ng kaso ng sakit sa dalawang magkasunod na linggo.

Sa Metro Manila, kabilang sa may dengue hotspots ay ang lungsod ng Caloocan, Malabon, Marikina, Muntinlupa, Parañaque, Quezon, Taguig at Valenzuela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?