173

By

13-anyos pababa, planong i-ban sa paggamit ng social media

Isinusulong ng isang mambabatas sa Kamara na mai-ban ang 13-anyos pababa sa paggamit ng mga social media platform gaya ng Facebook at Twitter.

Layon ng House Bill No. 5307 o “Social Media Regulation and Protection Act of 2019” ni Laguna 1st District Rep. Danilo Ramon Fernandez na i-require ang mga social media company sa bansa na palakasin ang features nito na nagre-restrict sa 13 years old pababa.

Nais din ni Fernandez na ipagbawal sa mga social media company na mangolekta ng personal and location information sa sinumang nag-eedad 13-anyos pababa nang walang parental consent.

“With the advent and creation of social media, children and adolescents’ every move is monitored online, and even the youngest are bombarded with advertising when they go online to do their homework, talk with friends, and play,” nakasaad sa explanatory note ng panukala.

Sakaling maipasa, lilimitahan na rin ang paggamit ng social media sa 30 minuto kada araw pero maaari aniyang baguhin ng user ang limits usage kada linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?