30
arrested-
By

1,285 arestado sa Eastern crime ops

Umaabot sa 1,285 mga pasaway ang inaresto sa ikinasang magdamagang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Nolasco Bathan, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO kaugnay sa mga paghuli sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal at ang pagdakip sa mga gumagawa ng iligal sa mga lugar na sakop ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City.

Ayon sa report, nasa 20 pasaway ang arestado sa kasong drinking in public places, 200 katao ang arestado sa smoking ban, nasa 59 katao ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 63 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 943 ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 833 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 278 ang arestado ng Mandaluyong Police, 85 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 89 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?