73

Mar 23, 2020 @ 15:45
By

120 hinuling pasaway, pinawalan dahil sa sikip ng kulungan

Hinuli ng mga pulis ang nasa 120 katao nang sawayin ng mga ito ang pinatutupad na enhanced community quarantine at public safety hours sa Quezon City.

Ang mga dinakip ay mula sa magkakaibang lugar sa anim na barangay sa magkakaibang kaso gaya ng pag-inom sa labas ng kanilang bahay at paglalaro ng online game.

Dahil naman sa kakapusan ng space sa kulungan ay pinangaralan na lang at napilitang pauwiin ang nasabing mga pasaway na nagmula sa mga barangay Payatas, Batasan Hills, Matandang Balara Commonwealth, Holy Spirit at Bagong Silangan.

Kasabay nito ay binalaan ng mga pulis ang mga nahuli na sakaling magpasaway uli ay makakasuhan na umano ng resistance and disobedience to a person in authority.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?