34

By

1153 dakma sa EPD crime ops

Umaabot sa 1153 mga pasaway ang nahuli sa magdamang crime operations ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) kaugnay sa mga paghuli sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Ayon kay EPD District Director PBGen. Christopher Tambungan, patuloy ang pagsasagawa ng simultaneous anti-crime law enforcement operation ng mga pulisya na ikinakasa sa magdamagang operation na nagtapos kaninang umaga.

Batay sa report, nasa apat katao ang inaresto sa drinking in public places, nasa 193 katao ang arestado sa smoking ban, 40 ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 43 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 873 ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 845 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 253 ang arestado ng Mandaluyong Police, 26 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 29 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?