81

Feb 7, 2020 @ 17:36
By

$110M-investment sa PH nilabas ng mga dayuhan sa Enero

Patuloy pa ring binabawi ng mga dayuhan ang kanilang investments sa stock at money market ng Pilipinas na kinadudugo ng ekonomiya.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), $110.7 milyon (P5.63 bilyon) na naman ang nilabas ng foreign investors nung 3rd week ng Enero 2020. Ito ang pang-11 na linggong dire-diretso ang hugot ng foreign investors ng pera sa stock market at money market ng Pilipinas.

Nung 2019, $1.9 bilyon ang binawi ng mga dayuhan na foreign portfolio investments sa bansa o yung mga pinuhunan nila sa stock market dito.

Malaki kasi ang nawalang halaga sa stock market ng Pilipinas ng bumagsak ang presyo ng mga shares ng ilang mga kompanyang binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalan ng kontrata kasabay ng pananakot na ipakukulong ang mga may-ari nito.

Ngunit bago pa tinakot ni Duterte ang Maynilad Water Services Inc. at ang Manila Water Company Inc. nung Nobyembre, tinatanggal na ng mga dayuhan ang puhunan nila sa Pilipinas.

Nung Mayo 2019, $750 milyon ang binawi ng mga dayuhan na foreign portfolio investments sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?