58

11 sugatan sa pagsabog sa department store sa Cotabato

Nasa 11 katao umano ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang department store sa Cotabato City nitong Lunes.

Sa inisyal na report, nangyari ang insident ala-1:49 ng hapon kung saan abala ang shoppers sa pamimili.

Nagtakbuhan ang mga mamimili para makaligtas sa pagsabog sa isang department store sa Southseas Mall sa Barangay Poblacion 5 Cotabato City.

Isinailalim na sa “lockdown” ang naturang mall.

Ayon sa Cotabato police, isang improvised explosive device ang natagpuan sa department store kung saan nangyari ang pagsabog. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?