60

Feb 16, 2020 @ 16:03
By

11 Pinay mula Dubai umuwi sa Valentine’s Day

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakauwi nitong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2020, ang 11 Pilipina na naging biktima ng human trafficking sa Dubai.


Nagbigay ang Philippine Consulate General sa Dubai ng pansamantalang tahanan sa mga babae bago sila umalis sa Middle East, ayon kay DFA Undersecretary Dodo Dulay.

Sinagot din ng Gobyerno ng Pilipinas ang kanilang exit visa fees, immigration penalties, at airfare.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?