614

By

11 pekeng empleyado ng PNR, huli sa pagnenok ng riles

Sharing is caring!

Arestado ang 11 na nagpanggap na trabahador ng Philippine National Railways (PNR) Engineering Department matapos mahuli sa aktong nagbabaklas at nagnanakaw ng bakal at iba pang materyales sa riles nitong Huwebes.

Sa Facebook post ng Department of Transportation, sinabi nitong nahuli ang mga suspek habang nagnanakaw sa riles ng PNR Carmona Spur Line sa Cavite.

Samantala, hinihikayat ng PNR ang publiko na iulat ang mga kahalintulad na insidente sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa PNR.

Nakatakda umanong muling buksan ang PNR Carmona Branch Line ngayong taon para sa rutang PNR Carmona-Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?