214

Dec 20, 2019 @ 13:52
By

10K kilo ng kamote pinamigay ng mga Aeta

“Ang taos-pusong pamimigay na may kasamang taimtim na dasal at panalangin ay may halaga na mas higit pa sa ginto at pilak.”

Hindi nakalimot na magbahagi ng biyaya ang mga Aeta ngayong Kapaskuhan.

Suot kasi ang pulang dress at Santa Claus hat, namigay ang mga Aeta mula sa Sta. Juliana sa Barangay Capas, Tarlac ng nasa 10,000 kilo ng kamote sa mga mamamayan ng Barangay Baseco sa Tondo, Maynila.

Nasabi sa isang ulat na ito ang pinakaunang gift giving mission ng mga Aeta na naisakatuparan sa tulong ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Air Force (PAF).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?