61

By

100 percent transmission sa eleksyon, target ng Comelec

Target ng Commission on Elections (Comelec) na makapag-transmit ng 99 o 100-percent na resulta ng eleksyon sa Mayo.

Sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na ito ay bilang pagsunod sa mandato ng poll body na tuluyang mai-transmit ang mga resulta ng eleksyon sa pamamagitan ng electronic transmission.

Paliwanag ni Casquejo, sa pamamagitan ng transmission router gateway, masisiguro na aabot ang resulta ng halalan sa transparency server at sa central server sa pinakamabilis na paraan.

Ayon sa opisyal, ang binubuong trusted build para sa transmission router ay isasailalim din sa source code review.

Sakali umanong magkaiba ang nilalaman ng SD card mula sa central server machine ay siguradong nagkakaroon ng maraming katanungan.

Inihahanda na rin ng Comelec ang mga counter measure sa posibleng pananabotahe sa signal tulad ng pagtatalaga ng karagdagang pulis at mga sundalo.

Sakaling wala talagang signal sa panahon ng transmission ang isang makina, kailangan umanong ilipat ng makina ang mga SD cards na may may malakas na server na gagawin sa harap ng board of canvassers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?