142

100 burger pinamahagi ni Neri dahil engaged na si Sarah

Dahil “super duper happy” si Neri Naig-Miranda sa balitang engaged na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, nagpamigay siya ng burger sa nakasalubong na 100 tao.

“Dahil engaged na si Sarah at super duper happy ako, namigay ako ng burgers sa lahat ng nakasalubong ko, hehe!,” saad ni Neri sa caption ng kanyang latest YouTube vlog.

Una niyang binalita ang panlilibre sa kanyang Instagram post, kung saan sinabi niyang hindi man siya kilala ng dalawa ay tuwang-tuwa pa rin ito para sa Pop Princess.

“Saraaaaaaaaaaaaah! Nakakaiyak. Sobrang masaya ako para sayo. Di pa tayo close nyan ha? Hahaha! Di mo nga ako kilala, hehe! Alam ko at naniniwala ako na isa kang mabuting tao. Kaya lahat ng pagmamahal at happiness ay pinagpe-pray naming lahat!,” saad ni Neri nitong Nov. 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?