25

By

10 straight ‘W’ binulsa ni LeBron, Lakers

Tuloy-tuloy ang impresibong performance ni LeBron James at Los Angeles Lakers na kinubra ang kanilang ika-10 sunod na panalo ngayong season.

Gumawa ng 23 points at 11 assists si King James para makuha ang 17th win sa 18 na laro.

Nanguna naman si Anthony Davis na kumamada ng 26 points at 13 rebounds para sa 125-103 victory kontra Washington Wizards.

Samantala, 18 points naman ang binuhos ni Bradley Beal para sa Wizards, nakatulong sa kanya ang rookie na si Rui Hachimura na nagsukbit ng 16 markers at eight boards.

Naging mabagal ang simula ng Lake Show, 11 ang lamang ng Washington bago nagpakawala ng 29-6 blitz at itarak ang 37-23 lead sa dulo ng first quarter.

Lumamang ng hanggang 39 puntos ang Lakers at hindi pa nagawang makabangon ng Wizards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?