19

May 23, 2020 @ 10:55
By

10 barangay sa Navotas, binalik sa ECQ

Muling sinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang 10 barangay sa Navotas dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, simula ngayong Sabado ay balik ECQ sa mga lugar na:

Daanghari
NBBN
NBBS Dagat-dagatan
NBBS Kanluran
NBBS Proper
San Jose
San Roque
Sipac Almacen
Tangos North
Tangos South

Sa ilalim ng ECQ, ang mga makakalabas lang ay ang mga may hawak ng quarantine pass para bumili ng mga basic goods tulad ng pagkain at grocery.

Tanging mga essential worker lamang din ang makakalabas para magtrabaho, at kinakailangang maglabas ng patunay tulad ng company ID o certificate of employment.

“Kailangan nating habulin ang pitong araw na niluwagan natin ang galaw ng ating mamamayan,” paliwanag ni Tiangco.

Hanggang May 31 ang pinatupad na ECQ sa 10 barangay sa Navotas.

Sa ngayon ay pumapalo sa 138 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?