75

By

10 aso naging abay sa kasal ng mga dog rescuer

Game na rumampa ang 10 mga AsPin o asong Pinoy sa entourage ng kasal ng dalawang dog rescuer sa Quezon province.

“ASPIN Tunay at Tapat” o “Ako Sayo’y Palaging Iibig Nang tunay at tapat” ang sumpaan nina Mariz at June Lacuesta sa kanilang kasal noong Oktubre 26.

“Oo mga aso lang sila sa paningin ng iba pero sa amin, pamilya namin sila, kaya dapat kasama sila. Oo aso sila pero marami kaming natututunan sa kanila, isa na dyan ang meaning ng ‘True Love and Loyalty’,” saad ni Mariz sa kanilang Facebook page.


Nag-viral din ang mga sinagip at inampong aso dahil kasama ang mga ito sa pre-nup ng dalawang dog rescuer.

Sa ngayon, ayon sa kanilang Facebook page, may inaalagaang 20 na aso at ilang pusa ang mag-asawang Lacuesta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?