66

By

1 umano’y NPA patay, 7 arestado sa engkuwentro kontra pulis, militar sa Ozamis

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang pitong iba pa ang naaresto kabilang ang isang sugatan sa dalawang engkwentrong naganap sa pinagsanib na puwersa ng pulisya at sundalo kaninang umaga, Agosto 25, sa Barangay Bagacay at Cogon sa Ozamis City.

Sa ulat na ipinadala ni Major Arvin Encinas, tagapgsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang unang sumiklab ang engkuwentro sa pagitan ng pinagsanib na puwersa ng 10th Infantry Battalion ng Philippine Army at 2nd PNP Mobile Force Company sa Barangay Bagacay habang ang ikalawang sagupaan ay nangyari sa Barangay Cogon.

“The swift action of the government forces resulted into the recovery of one M16 rifle, four caliber .45 pistol, seven hand grenades, three motorcycles improvised explosive components and food stuffs”, saad ni Lt. Col. Ray Tiongson, 10th Infantry Battalion commander.

Isa umanong NPA ang nasawi na inaalam pa ang pangalan habang dalawang tropa ng militar ang nasugatan na agad dinala sa pinakamalapit na pagamutan gayundin ang isang miyembro ng NPA na sugatan din sa labanan habang ang anim na iba pang naaresto ay dinala din sa ospital para isailalim sa medical check-up bago ito i-turnover sa pulisya upang masampahan ng kaukulang kaso laban sa mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?