720

Mar 21, 2020 @ 19:06
By

1 sakong bigas tulong ni Yorme Isko sa mga tsuper

Naghandog ng ayudang isang sakong bigas si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Sabado sa mga jeepney driver na apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Nabiyayaan nito ang mga kasaping drayber ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at Pangkalahatang Sangguinang Manila and Suburbs Driver’s Association (PASANG MASDA).

Sa tulong ng Manila Parking and Traffic Bureau (MTPB), ipinamahagi ang mga sako ng bigas sa mismong tahanan ng mga drayber.

Matatandaang sinuspinde ng pamahalaan ang lahat ng pampublikong transportasyon sa buong Luzon dahil sa ECQ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?