92

By

1 sa 10 Pinoy ‘no read, no write’ – Gatchalian

Itinutulak ngayon ni Senador Win Gatchalian na i-institutionalize na ang Alternative Learning System (ALS), ang parallel learning system ng Department of Education (DepEd) patungo sa formal education system sa bansa.

Sabi ni Gatchalian, krusyal umano ang programa para maabot ang 24 milyong Pinoy na may edad 15 pataas na hindi nakukumpleto ang basic education.

Punto ng senador, bagama’t tumaas ang bilang ng mga nag-enrol sa ALS nitong mga nagdaang taon, hindi naman natatapos ng karamihan ang programa.

Batay sa datos ng DepEd, may 2,025,167 ang nag-enrol sa pagitan ng 2016 hanggang 2018 subalit 1,329,667 lamang ang nakakumpleto sa programa.

Ayon kay Gatchalian, 24 milyong Pinoy ang hindi nakakatapos ng high school.

Ibig sabi nito, isa sa apat ang hindi nakaka-graduate ng high school at isa sa sampu o sampung porsiyento ng populasyon ng bansa (10 milyon) ang hindi.

“That’s why I’m very bullish about this bill because we need to reach out to the 24 million and right now we’re only addressing 600,000 a year. That’s barely one percent of the total required enrollment,” sabi ni Gatchalian.

Nauna nang naghain si Gatchalian ng Senate Bill 740 na naglalayong mabigyan ng accessible training at education na kada barangay kabilang iyong mga nasa kabundukan, mga indigenous people, mga batang naiipit sa giyera, mga nakakulong at iba pang mahihirap na sektor ng lipunan.

Nauna nang sinabi ni DepEd Assistant Secretary at ALS Task Force Head G.H.S. Ambat na dapat nang mag-evolve ang ALS curriculum sa bansa.

“There are so many challenges brought about by the fourth industrial revolution so our learners need to learn information and literacy skills, communication skills, life and career skills, which are part of the K-12 program,” sabi ni Ambat sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education.

Para matiyak ang kalidad ng pagtuturo ng ALS, sinabi ni Gatchalian na dapat magsagawa rin ng training program para sa mga guro ng ALS.

“We want to institutionalize, strengthen, and correct the deficiencies of the program. If it is a life-changing program, why then are we not giving it focus which means that we’re not only wasting resources, but also the time of the learners,” ani Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?