190

Mar 5, 2020 @ 22:01
By

1 PNP general sa helicopter crash, nilipat sa ICU

Nilagay sa intensive care unit (ICU) ang isang heneral na nasa kritikal na kondisyon matapos ang nangyaring pagbagsak ng eroplano sa San Pedro, Laguna nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Maj. Gen. Benigno Durana Jr, ang acting spokesperson ng PNP, sinugod sa ICU si PNP Director for Comptrollership Maj. Gen. Jose Maria Ramos dahil sa kondisyon nito.

Sa Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center naka-admit si Ramos, na isa sa mga pasahero ng PNP Bell 429 chopper na nag-crash sa San Pedro.

Samantala, nasa ‘critical care’ section naman ng Asian Medical Center si PNP Director for Intelligence Maj. Gen. Mariel Magaway, ngunit hindi batid kung kaparehas ba ito ng ICU.

“The next 48 hours again will be critical kaya puspusin po natin ng panalangin ang kanilang paggaling,” ayon kay Durana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?