82

By

1 patay, 6 arestado sa buy-bust sa Nueva Ecija

Napatay ng mga pulis ang isang drug suspect habang inaresto naman ang 6 iba pa sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Guimba, Nueva Ecija noong Sabado (June 22).

Ayon kay Police Lt. Col. Salvador Destura, Guimba police chief, nabaril ng mga pulis si Reyben de Guzman nang subukan nitong barilin ang mga pulis matapos ang buy-bust operation.

Napatay si De Guzman sa loob ng isang lodging house sa Barangay Bacayao dakong alas-4:45 ng umaga.

Narekober ng mga imbestigador sa crime scene ang marked money na P500, isang kalibre .38 rebolber at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala sa hiwalay na operasyon ay naaresto sina John Paul Catabona, Jumarie Ramos, Edgardo Aromin, Angelo Dela Cruz, Michelle Rancapolo Gabrillo, at Johana Matate Sacupayo sa Barangay Saranay dakong alas-2:45 ng umaga.

Nasamsam ng mga pulis mula sa anim na suspek ang apat na schets ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?