20

Mar 26, 2020 @ 11:06
By

1 pang kongresista sapul ng COVID-19

Maliban kay ACT-CIS Representative Eric Yap, posibleng isa pang kongresista ang tinamaan din ng coronavirus.

Ito ay ayon kay Isabela Rep. Tonypet Albano, na ngayon ay sasailalim sa self-quarantine matapos na ma-expose kay Yap na dumalo sa sesyon ng Kongreso noong nakaraang Lunes.

“Cong Eric and I worked closely together to fix and amend this bill with everyone else. I practiced social distancing with everyone there, but I had my mask off at times when we were all eating and working,” ayon kay Albano.

“My asthma can’t have the mask on for more than 10 mins. So I take it off and stay away from my colleagues at around 1-2meters away. I hope that was enough in an airconditioned congress hall and dining area.”

Saad din nito, dalawa na umano ang kongresista na tinamaan ng COVID-19, ang isa dito ay si Yap.

“We bravely went to work and 2 of our congressmen are now positive with Covid-19, 2 congressional staff have died, many more are PUIs and PUMs.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?