49

Feb 14, 2020 @ 14:26
By

1 pang bayan sa Pangasinan nasa state of calamity dahil sa ASF

Nasa state of calamity ngayon ang San Carlos City, Pangasinan dahil sa paglaganap ng sakit na African swine fever (ASF) na dala ng mga alagang baboy sa Barangay Caboloan, ayon sa San Carlos City Sangguniang Panlungsod (SCSP).

Sa resolusyon na ipinasa ng SCSP noong Miyerkules, ang mga alagang baboy sa nasabing barangay ay nagpositibo umano sa ASF at nais protekhahan ang mga hog industry sa siyudad at residente nito laban sa nakakahawang sakit ng baboy.

Ayon sa resolusyon, sinabi ng SCSP na ang deklarasyon ng state of calamity ay upang bigyan ng basic needs at serbisyo ng bawat nangangailangan ng tulong dito.

Sinabi ng local information office na nasa one-kilometer radius na apektadong mga piggery ay nasa lockdown na.

Noong Huwebes, ang lokal na gobyerno ay naglagay ng logistical needs, manpower at iba pang pangangailangan para maalis at makontrol ang nasabing sakit at sila ay nakikipag-unayan na sa Provincial Veterinary Office at national agencies para sa ibang pag-iingat laban sa ASF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?