61

Feb 14, 2020 @ 14:08
By

1 nagpositibo sa coronavirus! Mga empleyado ng bangko sa Singapore inilikas

Inilikas ang nasa 300 empleyado ng pinakamalaking bangko sa Singapore matapos isang manggagawa nito ang nagpositibo sa coronavirus.

Ang mga naturang empleyado ng DBS ay pare-parehong nasa ika-43 palapag ng bangko nagtatrabaho, ayon sa BBC.

Isinailalim sa test ang DBS employee noong Martes, Pebrero 11 kung saan nakumpirmang may coronavirus siya kinabukasan.

Bilang precautionary measure, lahat ng empleyado ng apektadong palapag ay pinauwi ng kani-kanilang mga bahay.

Sa kasalukuyan ay 47 na ang naitalang kaso ng coronavirus sa Singapore, isa sa highest tallies sa labas ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?