2,286

By

1-legged three-point shot, ginaya lang ni Harden

Lumutang ang isang video kung saan isang manlalaro ang tila perpekto na ang tirang pinapauso ni Houston Rockets star James Harden.

Sa tweet ng Swish Cultures, kanilang ibinida ang mga one-legged three-point shot ng Spanish player na si Juan Carlos Navarro.

Base sa tweet, taong 2008 pa nagsimulang gamitin ni Navarro ang naturang signature move.

Si Navarro ay isang alamat sa Euroleague, nagkampeon ng dalawang beses sa nasabing liga at naging MVP noong 2009.

Sumalang din si Navarro para sa Memphis Grizzlies sa NBA kung saan napabilang siya sa All-Rookie 2nd team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?