232

By

1 dayuhan, 1 Pinoy swak sa pag-record, pangre-rape sa Baguio

Pinosasan ang isang Sudanese national at kasama nitong Pinoy matapos gahasain ang isang 19-anyos na dalaga at kinunan pa ito ng video habang ginagawa ang pang-aabuso sa Baguio City noong Martes.

Kinilala ng Baguio City Police Office (BCPO) ang mga suspek na sina Mohammed Noreldyne Ahmed Osman, 26, tubong Sudan at kasamahan nito na si Vernitep Alfonso Riezo, alyas “Noynoy,” 24, ng nasabing siyudad.

Ayon sa report ng BCPO, inimbitahan ng mga suspek ang biktimang si Ianna (hindi tunay na pangalan) sa kanilang bahay upang mag-inuman.

Sa sinumpaang salaysay ni Ianna, noong nakaramdam siya ng pagkahilo, pumunta sa isang silid ang biktima upang matulog.

Lingid sa kaalaman ng biktima, sinundan siya ng mga suspek at dito siya minolestiya at habang ginagawa ito ay kinukunan pa ito ni Osman ng video cam ang ginagawa kay Ianna.

Inaresto ang mga suspek pagkatapos magsumbong ng biktima sa BCPO.

Nakakulong ngayon sa BCPO detention cell si Riezo habang si Osman ay ipupunta sa Bureau of Immigration para ipa-deport patungong Sudan.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?