30

Mar 26, 2020 @ 11:27

1 buwan pang lockdown hindi na kakayanin-Concepcion

Bagama’t maraming nagbago at pinagdaanan ang mga Micro-Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa bansa simula ng Enhanced Community Quarantine, naayos naman ito ayon kay Secretary Joey Concepcion ng Presidential Adviser for Entrepreneurship.

Sa panayam nito sa DZBB Super Radyo nitong Huwebes, sinambit nito na malaking tulong ang naging special powers ni President Rodrigo Duterte upang matrabaho ng Department of Finance ang budget.

Ayon pa sa kanya, mahihirapan na ang bansa kung magkakaroon pa ng isa pang one month lockdown kaya naman ito ang kanilang iniiwasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?